Presyo sa gasolina tinapyasan

eastern-petroleum

NAGPATUPAD ng panibagong tapyas presyo sa ilang mga produktong petrolyo sa pangunguna ng Pilipinas Shell sanhi ng patuloy na pagbaba ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Dakong ala-1 ng madaling araw kanina ay ipinatupad ang pagtatapyas ng P0.85 sentimo kada litro ng presyo ng diesel at kerosene ang Pilipinas Shell habang P0.40 sentimo kada litro naman sa regular gasoline.

Ayon kay Toby Nebrida ng Pilipinas Shell na hindi gumalaw ang presyo ng kanilang unleaded at premium gasoline batay na rin sa itinatakda ng pandaigdigang presyuhan sa langis.

Sumunod namang nagtapyas ng kahalintulad ding halaga na epektibo alas-6 ng umaga ang Phoenix Petroleum, Unioil, Eastern Petroleum, Ptt  at Total habang inaasahan na rin ang pagbabawas sa kahalintulad ding halaga ang Petron at Chevron.

Nauna rito’y naghayag na si Oil Industry Management Director Zenaida Monsada ng Department of Energy na mahigit pa sa P0.50 sentimos kada litro ang inaasahan nilang rollback sa presyo ng diesel at kerosene habang maliit lamang ang itatapyas sa gasoline.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply