Price hike ipinatupad ng ilang oil companies

fuel-hike

MULING nagpatupad ng oil price hike ang ilang kompanya ng langis ngayon.

Epektibo alas-6:00 ngayong umaga, sabay-sabay na nagpataw ang Shell, Petron, Seaoil, Flying V at Total ng P1.15 sa kada litro ng premium at unleaded gasoline at 70 sentimos sa bawat litro ng regular gasoline.

Nagpataw din ng 25 sentimos sa kada litro ng kerosene, maliban sa Total at tanging ang Petron naman ang may dagdag-presyo sa diesel na 25 sentimos.

Ang pagsipa sa petrolyo ay kasunod na rin ng pagtaas ng presyuhan ng gasolina sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply