Pro-RH na mga mambabatas tumatanggap ng pondo – CBCP

MARAMI sa mga mababatas na nagsusulong ng Reprodutive Health bill ang nakakatanggap ng pondo mula sa international pharmaceuticals companies.

Ito ang paniniwala ni CBCP-Episcopal Commission on Family and Life vice-chairman Lipa Archbishop Ramon Arguelles dahil na rin sa pagpupumilit ng mga ito na maisabatas ang panukala.

Noon pa man anang Arsobispo ay tumatanggap na ang mga lawmakers ng pera mula sa malalaking kompanya ng gamot at tatanggap muli sila ng pondo lalo na’t nalalapit na ang 2013 midterm elections.

Inihayag ng Arsobispo na matinding pressure ang ginagawa ng Amerika, Britanya at iba pang makapangyarihang bansa na nagsusulong ng kultura ng kamatayan sa ating mga mambabatas kaya gayun na lamang ang pagpupumilit nila na mailusot ang rh bill sa Kamara at Senado.

Hinimok naman ni Archbishop Arguelles ang mga botante na isulong ang Catholic vote sa darating na 2013 midterm elections upang makapaghalal tayo ng mga mambabatas na nagsusulong ng kultura ng buhay at hindi ng RH bill.

Nananawagan naman si dating CBCP President Jaro Archbishop Angel Lagdameo sa mga mambabatas na maghunos-dili at ma-convert sila sa tamang pag-iisip o right thinking.

Naninindigan naman si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na kahit anong amyenda ang gagawin sa RH bill ay nagsusulong pa rin ito ng artificial contraceptive o contraceptive mentality na magbubukas naman sa iba’t-ibang sexual permissiveness.

Tiniyak ni Bishop Mallari na lalong lalakas ang negosyo sa contraceptive sa Pilipinas kapag naisabatas ang RH bill dahil sa kasalukuyan ay laganap na ito sa alinmang sulok ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply