Problema sa nakaw-load

_raul valino

MORE than two-thirds ng merkado ay kontrolado na ng Smart-Sun Cellular tandem. Ang control ng Globe Telecom ay one-third lamang or less.

Ang sabi ng Avis-Rent-A-Car, we’re No. 2 that’s why we try harder.

Mahirap maging No.1. Kailangan mong ma-maintain ang iyong ranking dahil sa minsang nagbago ng preferences ang iyong mga customer ay patay kang bata ka.

Nitong nakaraang third quarter of the year, ang sabi ng Smart ay 68 million ang mobile subscribers nito, kasama na ang Talk ‘N’ Text at Sun Cellular, na pag-aari ng Philippine Long  Distance Telephone Co. (PLDT).

Ang PLDT group ay kumita ng net income na P28.7 billion sa unang siyam na buwan ng kasalukuyang taon, pero mas mababa ng 6.0% compared to last year.

Sa buong taong ito, 2012, ay inaasahan ng PLDT group na kikita sila ng P37 billion, pero mas mababa sa kinita nilang P39 billion last year.

Ano kaya ang dahilan at buma-baba ang net income ng PLDT group na kasama na ang Smart at Sun?

Ano kaya ang effect nito sa mga present and future subscriber of the Smart-Sun tandem?

Sa kasalukuyan ay may P60-billion modernization ang PLDT at Smart. Natapos na ang first phase pero marami pa rin ang nagrereklamong subscriber ukol sa system outages at mga nakaw na load.

Ma-solve na kaya ang mga reklamong ito laban sa Smart?

Kung hindi ay sayang naman ang perang ginagasta ng PLDT-Smart sa expansion and modernization program nito.

Ang kasunod na modernization program ay para sa Visayas at Min-danao. Sana ay bumaba na ang mga reklamo against Smart dahil hindi biro ang mag-invest ng P60 billion. Kawawa naman ang mga stockholder, lalo na ang minority Filipinos sa foreign-controlled PLDT-Smart.

Isang Chinese company na kung tawagin ay Huawei ang nakakuha ng kontrata sa modernization na ito.

Ako mismo ay kinakabahan sa mga kontratang pinapasok ng China dahil na rin sa sikat ang China sa mga produktong hindi kagandahan ang asal.

Ang Huawei raw ay the world’s largest telecommunications components manufacturer.

Ayon sa Smart, ang Huawei optimization engineers have ful-filled their end in helping Smart build the Philippines’ most advanced mobile network.

Sana nga, at sana ay wala nang nakaw-load. Kawawa naman ang mga text subscriber.

Nawalan na ng text, na over-priced pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply