Production assistant, sobrang magmadera!

toni-gonzaga

MAY naikauwento si Toni Gonzaga na noong panahong magkasama pa sila ni Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga ay naging crush niya ito.

Nakakaloka naman ang nagiong reaksiyon ng huli nang matanong ng press about it.

Ayon kay Paolo, kung crush man raw siya ni Toni, ang boyfriend naman raw ng actress-TV host na si Paul Soriano ang type niya. Tawa naman nang tawa si Toni nang mabanggit namin sa kanya ang tungkol rito.

“E… kaibigan ko talaga si Paolo. Palabiro talaga ‘yan,” aniya. “At saka nasa puso ko ‘yan (Paolo) kasi matagal ko siyang nakatrabaho tati sa Eat Bulaga.

“Isa ‘yan sa mga una kong naging kaibigan kaya espesyal talaga siya sa akin. Gwapo naman kasi si Paolo kaya naging crush ko siya rati.”

Hindi ba niya alam dati na hindi puro at kaduda-duda ang masculinity ni Paolo?

“Hindi. Kaibigan mo kasi kaya hindi na importante sa ‘yo ‘yon.

“Ang importante sa ‘yo e… mabait siya at maganda ang pakikitungo. At hanggang ngayon e kaibigan ko ‘yon.”

Nagulat pa si Toni nang sabihin namin sa kanyang matagal-tagal na ring nag-out si Paolo tungkol sa kanyang sexual preference. “Hindi ko alam! E… siyempre, masaya tayo para sa kanya kung saan siya maligaya. Desisyon naman iyon ni Paolo so… respetuhin natin. At saka kung anuman ‘yong magpapaligaya sa kanya e di ‘yon! Buhay naman niya iyon, e.”

Kumusta na sila ni Direk Paul ngayon?

“Okey naman. Pareho pa rin. Gano’n pa rin.”

Ano ang naging reaksiyon ni Direk Paul sa sinabi ni Paolo na type nga siya nito?

“Well… natawa lang. Kasi, I think nag-meet sila sa concert nina Wally at Jose. E nanonood rin lagi ng Bulaga si Paul so kilala rin niya si Paolo.

“Natawa lang si Paul na… crush siya ni Paolo.”

Big hit sa takilya ang pelikulang pinagsamahan nila ni Vice Ganda, ano ang sunod niyang project after this?

“May meeting ako sa Star Cinema by end of next week. So… ilalatag ‘yong mga gagawin. ‘Yon!”

“Hindi ko pa puwedeng sabihin pero may idea na ako kung sino ang makakasama ko. Love story ang tema na medyo romantic-comedy.”

*******

NAKAPAGTATAKA kung bakit iba ang sinasabi ngayon ni Boy 2 Quiuzon kapag natatanong tungkol kay Rufa Mae Quinto. Dati kasi, umamin na siya tungkol sa relasyon nila. Tapos, ang sunod na napabalita, nag-break sila.

Ngayon, may tsismis na nagkabalikan na raw sila pero itinatanggi ito ng actor. Idini-deny rin nila na naging sila.

Magkaibigan lang daw sila ni Rufa Mae. Magkatrabaho sa Bubble Gang and at the same time, business partners raw sila sa itinayo niyang production outfit na Brown Sugar Production.

May kinalaman kaya ang pagkaka-link ni Rufa Mae kay Ahron Villena ngayon kaya si Boy 2 biglang itinatanggi na naging sila?

*******

SA KATATAPOS na 26th PMPC Star Awards For TV, si Ryan Bang ang naging escort ni Vice Ganda.

May ilang miyembro ng media sana na gustong mag-interview kay Vice matapos itong tsikahin ni IC Mendoza para sa segment ng huli sa “Ang Latest”, kaya lang, nagmahadera ang PA na kasama ng komedyante at TV host.

Talagang humarang ang PA ni Vice at hinila na ito papasok ng Henry Irwin Lee Theater na siyang venue ng awards night.

Ganyan?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply