Produktong walang label wag bilhin – FDA

PINAG-IINGAT ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng mga pagkaing walang label, lalo na ngayong nalalapit na ang kapaskuhan at inaasahang marami ang mamimili ng pagkain na pang-Noche Buena.

Ayon kay FDA Deputy Director Nazarita Tacandong, hindi dapat bilhin ang mga produktong walang label dahil napakadelikado ng mga ito.

Inihalimbawa ni Tacandong ang mga de-lata na kung walang tatak ay hindi malinaw kung ano ang laman.

“Usual na advise namin, huwag silang bumili ng pagkain na walang label. Napakadelikado yung bumibili sila ng walang label, hindi natin alam kung anong laman ng de-lata na ‘yun,” ani Tacandong.

Pinayuhan pa ni Tacandong ang publiko na iwasan ang pagbili ng mga produktong expired na o malapit nang mag-expire kahit pa may label o tatak ang mga ito.

Paliwanag ni Tacandong, kapag expired na ang pagkain ay wala nang katiyakang ligtas pa para kainin ang isang produkto.

Maging ang mga de-latang yupi na o nakaangat o lumobo na ang takip ay hindi na rin dapat pang bilhin dahil posibleng may maliit na butas ang mga ito na hindi nakikita at maaaring pasukan ng mikrobyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply