Profile ng mga tulak, adik inilabas ng PDEA

PDEA

INILABAS ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakailanlan ng lahat ng drug pushers at mga gumagamit ng shabu sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacda,  Jr. batay ito sa nakalap nilang updates sa demographic profile na isinagawa ng ahensiya at Dangerous Drugs Board (DDB) kaugnay sa mga nahuling mga tulak ng iligal na droga at users na sumailalim sa rehabilitasyon sa mga pasilidad ng gobyerno.

Batay sa impormasyon, lumilitaw na karamihan sa mga tulak ng droga ay nasa edad ng 29 anyos, kulang sa pinag-aralan at hindi nakatapos ng high school at karamihan sa mga nahuhuli ay may mga asawa. Mas marami naman ang lalaking tulak na nahuli kaysa sa babaeng tulak na ang ratio ay 6:1.

Ayon kay Cacdac sa 73% na nahuhuli sa iligal na droga ay pawang nagtutulak ng shabu habang 26% ay nagtutulak ng marijuana at ang nalalabing 1 porsiyento ay ecstasy ang ibinebenta.

Halos mayorya aniya ng mga drug dependent sa bansa ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng iligal na droga pero nanatiling ang shabu pa rin ang mas piling gamitin ng mga adik na may 62% habang 35% ang gumagamit ng marijuana at tatlong prosiyento sa ibang droga batay sa record ng DDB.

Umaabot hanggang anim na taon ang gamutan sa mga drug dependent na ipinapasok sa mga rehab center sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply