Promo ng telcos pinalilimitahan na

danilo-suarez

IPINAKOKONTROL na ng isang kongresista sa administrasyon ang unli-promo ng mga cell companies.

Isinusulong ni House Minority Leader Danilo Suarez ang mungkahing limitahan na ang mga unli-promo ng telecommunication companies.

Sa ngayon giit ni Suarez ay wala ng kontrol ang unlimited promo ng mga telcos para sa tawag at text.

Dito aniya maisisisi kung bakit sumasama ang serbisyo ng telcos kagaya ng pagdami ng drop calls at delayed ang text messaging o kaya ay mahirap makalusot ang tawag sa cellphone dahil masyadong masikip na ang network.

Ngunit unfair naman aniya ito sa post paid subscribers na nagbabayad ng regular na linya at umaasa ng episyenteng serbisyo ng telcos.

Binigyang diin pa ni Suarez na ang regulasyon sa aspetong ito ang dapat na atupagin ng gobyerno sa halip na bigyang pansin ang mga mungkahing buwisan ang text messages.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply