Propesor ng UDM inireklamo ng estudyante

PERSONAL na nagreklamo ang isang estudyante ng Unibersidad de Manila sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section dahil sa pamamahiya ng kanyang propesor.

Ayon sa reklamo ni Regine Charissa Ida Castor, graduating student sa kursong Psychology sa Unibesidad de Manila (City College of Manila), 20, at residente ng F.Torres St. Singalong, Malate, Maynila, ayaw umano siyang tanggapin sa klase ng kanyang professor na si Sonia Pelayo.

“Hindi ko po alam kung bakit ayaw niya sa akin, samantalang pinirmahan niya yong adding form ko, wala naman akong alam na dahilan kung bakit ayaw niya akong tanggappin sa klase niya,” ayon pa kay Castor.

Kasama  ang kanyang magulang na sina Rudy at Emily, ay nakatakda ring magtungo sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim upang humingi ng tulong upang ireklamo ang dinanas niyang diskriminasyon at kahihiyan sa kanyang professor.

“Pinahiya niya ako, pinalabas niya ako sa klase, at hindi daw niya ako tatanggapin sa klase niya,” ayon kay Regine.

Inakusahan pa umano ng propesora si Regine na dinaya ang kanyang pirma sa adding form, pero nang puntahan ng kanyang ama, inamin naman nito pero sinabi na kaya siguro niya napirmahan ay sa dahilang humalo ito sa karamihan ng estudyante.

Maging ang ama ni Regine ay nagawa rin umanong bastusin ng guro nang sadyain ito sa unibersidad.

Hindi rin nilinaw sa kanila ng professor ang dahilan kung bakit ayaw tanggappin si Regine sa klase.

Ayon pa kay Regine, ilang beses na niyang naging guro si Pelayo at lagi siya nitong ibinabagsak.

Nang mag-enroll ngayon semester ay nilagdaan naman ni Pelayo ang kanyang adding form kaya sa pag-aakalang wala siyang problema sa mga asignatura ay pumasok na siya sa klase pero laking gulat niya kung bakit hindi siya tinanggap at ipinahiya pa ng kanyang professor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply