Proteksiyon sa mga hayop, hiniling ng aktres sa Kamara

wacku

NAGTUNGO kaninang umaga sa Kamara ang aktres na si Carla Abellana, upang magbigay suporta sa panukalang amyendahan ang Animal Welfare Act of 1998 na magbibigay ng mas malawak na proteksyon sa mga hayop.

Ang aktres ay sinamahan ng  isang limang buwang tuta na si “Wacku” na biktima ng animal violence sa pagdinig ng House Bill 5849 na inihain ni Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Si Wacko, na iprinisinta ng Philippine Animal Welfare Society, ay walang nguso matapos pagtatagain ng isang lasing na nagwala sa Northern Samar.

Kasabay nito ay umapela naman si Avellana sa miyembro ng House Committee on Revision of Laws na agad ipasa ang HB 5849 upang mabigyang proteksyon ang mga hayop sa pamamagitan nang pagpataw ng mas mabigat na parusa.

Sinabi ni Herrera-Dy na tuwing nakikita niya si Wacko ay naaalala niya si Kabang, ang asong nagligtas ng dalawang bata mula sa aksidente na nawalan naman ng nguso.

Ayon sa mambabatas, hindi na sapat ang nakasaad sa nasabing batas dahil noon pang 1998 ito naging batas.

Pawang mahina aniya ang mga parusang nakapaloob sa batas dahil maliit lamang ang multa at parusang ipinapataw sa mga nagkasala o gumawa ng pananakit sa aso o pusa.

Sa ilalim ng panukala, ang parusa para sa animal cruelty ay pagkakakulong ng 6-12 taon at multang hindi bababa sa P10,000.

Hindi na rin papayagan ang isang taong nagpabaya o nang-abuso sa kanyang alaga na makapag-ari pa ng hayop sa kanyang buong buhay.

Ipinagbabawal din sa panukala ang paglalagay ng buhay na hayop sa cargo holds ng bus o trunk ng kotse.

Magkakaroon din ng animal welfare desks sa mga police stations at barangay outposts.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply