Protesta ikakasa ng NPC sa paggunita ng Maguindanao massacre

PANGUNGUNAHAN ng National Press Club ang isang malaking kilos-protesta patungong Korte Suprema at Don Chino Roces (Mendiola) Bridge sa darating na Biyernes, Nobyembre 23, ikatlong anibersaryo ng Maguindanao masaker.

Tatlumpo at dalawa naman sa 58-kataong biktima sa masaker noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao, ay mga kasapi ng media at ilan sa mga ito ay miyembro ng NPC.

Lalahok sa pagkilos ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan-NCR), Burgos Media Center, UNTV at iba pang mga “cause-oriented groups” sa Kalakhang Maynila.

Magkakaroon din ng “film showing” sa Cinema 9 ng SM Manila pagkatapos ng pagkilos kung saan itatanghal ang “Deadline” The Reign of Impunity” ng respetadong direktor na si Joel Lamangan.

“Nanawagan ako sa lahat mamamahayag at mga kapwa-Pilipino na aktibong lumahok sa mga programang ito ng NPC upang ipabatid sa mundo na tatlong taon pagkatapos ng masaker ay patuloy pa rin tayong lumalaban para mabigyang hustisya ang mga biktima,” ayon kay Benny Antiporda, NPC President.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply