Protesta vs dagdag-pasahe sa MRT at LRT, tuloy

riles-network

IPINAGPAPATULOY ng iba’t ibang organisasyon ang protesta laban sa naka-ambang pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT simula Enero ng susunod na taon.

Nagsagawa ng protesta ang Riles Laan sa Sambayanan o Riles Network at Koalisyon ng Progresibo at Makabayang Mamamayan o KPMM sa tanggapan ng Department of Transportation and Communication o DOTC.

Partikular na tinuligsa ng mga nagprotesta ang tila-palabas ng DOTC at Malakanyang na indipendiyente sila sa isa’t isa hinggil sa desisyong itaas ang pamasahe sa mga tren.

Naglabas kumakailan ng rekomendasyon ng mas mababang taas-pasahe at DOTC na kagyat namang binate ng Malakanyang bilang isang mahusay na panukala.

Ayon sa Riles Network, pinapalabas daw ng gubyerno na hindi na nila dating napagkasunduan ang presyo ng pagtataas upang bigyang kasiyahan ang mga bangkong may ari ng mga tren.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply