Public apology hiniling ng pamilya ni US Senator Kennedy kay Sotto

tito-sotto

NAIS ng pamilya ng yumaong U.S. Senator Robert Kennedy na humingi ng paumanhin sa publiko si Senator Vicente “Tito”  Sotto III.

Ang public apology ay hinihingi ni Kerry Kennedy, anak ng yumaong US Senator Robert Kennedy matapos makumpirma ni Kerry na kinopya nga ni Sotto ng ‘Letra Por Letra’ ang talumpati ng senador mula sa kanyang ama na ginamit bilang Turno En Contra speech na may kinalaman sa Reproductive Health (RH) Bill.

Batay sa liham ni Kerry bilang pangulo ng Robert Kennedy for Justice and Human Rights, malinaw ang ginawang pangkokopya ni Sotto nang tagalugin nito ang Day of Affirmation ng kanyang ama noong taong 1966.

Sinabi pa ng nakababatang Kennedy na walang sinuman mula rito sa Pilipinas o maging sa buong mundo ang humingi ng pahintulot sa kanilanbg pamilya upang gamitin ang talumpati ng kanyang ama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply