Pugot na ulo, katawan ng Brgy. kagawad, napulot

crimedeath

(UPDATED) NAKAHIWALAY na sa katawan ng isang barangay kagawad ang kanyang ulo nang matagpuan ang bangkay nito sa Albay kaninang umaga.

Sinabi ni Chief Inspector Diego Lopez, hepe ng Guinobatan municipal police station, na wala pa silang ideya kung sino ang pumugot sa ulo ng biktimang si Barangay Kagawad Ely Oguis, residente ng Purok 6, Sitio Palatbuton, Brgy. Cabaloan sa bayan ng Guinobatan.

Pero tiniyak naman nito na malalaman din nila sa lalong madaling panahon kung sino ang salarin dahil may hawak na silang testigo sa krimen.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-12:00 hanggang alas-5:00 ng madaling araw pero nadiskubre ang bangkay dakong alas-7:00 ng umaga sa nasabing barangay.

Ayon sa nakasaksi, bago maghating gabi nang huli niyang namataan buhay ang biktima na naglalakad sa kanilang lugar na tila palinga-linga sa kanyang likuran.

Sa pag-aakalang nagmamadali lamang, hindi na niya ito pinansin at diretsong umuwi na lamang sa kanyang bahay.

Kinabukasan, nabulaga na lamang ang mga residente nang tumabad sa kanila ang bangkay ng biktima na duguan at ang ulo ay nakahiwalay na sa kanyang katawan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang SOCO team kung sino ang responsable at ano ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply