Pulis bayawak, sinibak ni Espina

espina

TULUYAN ng pinasisibak ni NCRPO Director Leonardo Espina si PO3 Jessie Villanueva ng Manila police station 8  na nauna ng binansagang pulis bayawak matapos manghulidap noon ng isang lalakeng may dalang bayawak.

Ang kautusan ni Director Espina noong November 23, 2012 ay kasunod nang panibagong biktima nang pag-abuso ng pulis na isang mangingisda naman na bumili ng pirated DVD sa Quiapo..

Sa salaysay ni Nilo Flores, 38, mangingisda sa Balanga, Bataan, lumuwas siya sa Maynila at dumaan muna sa Quiapo para magsimba bago bumili ng ilang piniratang DVD sa Carriedo.

Habang naglalakad, nilapitan, aniya, siya ng unipormadong suspek at sinabing labag sa batas ang kanyang ginawa.

Tinakot at pinakitaan din, aniya, siya ng baril, saka pinagkukuha ang kanyang relo at cellphone maging ang P5,000 na kanyang pera.

Nagpasaklolo sa pulis ang biktima at sa follow-up operation ng MPD general assignment section ay  nadakip ang suspek habang nasa isang tindahan ng motor sa Tomas Mapua St., Sta Cruz.

Napag-alaman din na noong September ay nadakip na si Villanueva matapos na mangotong naman ng lalake na may dalang bayawak kung saan sinamahan pa ng pulis ang bktima para maibenta ang bayawak at magkapera.

Sa ngayon, mahigit 80 pulis ng NCRPO ang naiireklamo, 19 dito ang nadismiss sa serbisyo, lima ang nademote, 20 pa ang nasuspindi habang ang iba ah sumasailalim pa sa imbestigasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply