Pulis, isa pa arestado sa pananakot

ARESTADO ang isang miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at kasama nito nang ireklamo ng isang vendor matapos na pagbantaan ang kanyang buhay sa Paco, Maynila.

Nahaharap sa kasong Grave threat at misconduct ang suspek na si PO2 Hegino Polanes, 38, may-asawa, nakatalaga sa SAF 34rth Coy, PNP, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City; at Hermino Sagrada, 25, binata, vendor, kapwa residente ng 17187 F. B. Harrison St., Pasay City.

Sa reklamo ni Armando Umapas, 36, may-asawa, vendor ng F. Munoz St., Paco, Manila, sa Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS), dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng F. Muñoz at Texas sts., Paco, Maynila.

Ayon kay Umapas, nagbabantay siya ng kanyang ihawan sa nasabing lugar nang dumating ang mga suspek na armado ng baby armalite (Polanes) at isang hindi nabatid na baril (Sagrada).

Sa pahayag pa ng complainant, minura siya ni Polanes at tinakot na kapag hindi inalis ang kanyang puwesto (tindahan) sa lugar ay babarilin siya nito.

“P*%#&^ *&# mo, pag hindi mo inalis ang puwesto mo, babarilin kita,” banta umano sa biktima.

Agad namang nagreport ang biktima sa kanilang barangay dahil sa takot subalit pagbalik niya sa kanilang bahay ay muli silang binalikan ng mga suspek at muling pinagbantaan.

Naalarma naman ang ilang opisyal ng barangay kaya inireport ni Sonny Ferrer, barangay kagawad ng Brgy 735 Zone 18, District sa pulisya ang pangyayari na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.

Ayon pa sa biktima, posibleng naiingit si Sagrada sa kanya dahil mas malakas ang kanyang benta niya rito. Si Sagrada ay isa ring vendor sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply