Pulis, utol na tatakbong konsehal timbog sa droga’t boga

behind-bars

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang pulis at kapatid nitong kakandidatong konsehal makaraang nasakote ng mga tauhan ng Anti-Drug Special Operations Task Force sa lungsod ng Pasay.

Kasong paglabag sa illegal drugs at illegal possession of fire firearm at illegal possion of illegal drugs (shabu) ang isasampa laban sa suspek na kinilalang si PO1 Darwin “Denden” Cruzin, 37, nakatalaga sa Taguig City Police Station, residente ng No. 2300 Tramo St., Pasay City samantala nahaharap naman sa kasong obstruction of justice ang kakandidatong konsehal sa lungsod ng Pasay na si Alvin Cruzin.

Nag-ugat ang kaso nang masakote ang suspek ng mga tauhan ng Pasay City police sa isinagawang drug operation sa kanto ng Decena at Libertad St., dakong 4:30 kahapon ng hapon na nag-iingat ng tinatayang 6 na gramo ng shabu kasama ang isang alalay na kinilalang si Paul Christian Garapil residente ng No. 1980 Tramo St., ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Chief Inspector Ronald Baula, hepe ng Anti-Drugs Task Force, nakuha rin sa pag-iingat ng pulis ang isang kalibre 22.

Nang dadalhin na sa himpilan ng pulisya ang naarestong pulis, biglang dumating ang kapatid na kakandidatong konsehal at tinangka pa nitong pitsirahan ng isang pulis na kinilalang si Ronald Alia para hindi madala sa himpilan ng pulisya ang kapatid na pulis.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang magkapatid sa Prosecutor’s Office sa Lunes habang hinihintay pa ang resulta ng drug examination a camp crame.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply