Pulis Maynila inireklamo ng pananakot

MPD
IPINAGHARAP ng reklamo ngayong umaga ang isang pulis-Maynila dahil sa pananakot sa misis ng kawani ng Manila City Hall.
Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS)ang mag-asawang Richard at Eliza Zacarias upang ireklamo  ang pulis na si SPO1 Ritchie Bautista, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Station 7 (Abad Santos).
Sa reklamo ni Richard , may-asawa, kawani ng permit section sa MCH, naganap ang pananakot ng pulis sa kanyang asawa na si Maria Eliza kahapon, Nobyembre 15.
Ayon kay PO3 Jay-jay Jacob, nagkaroon ng pagtatalo si Ginang Eliza at hindi napangalanang bayaw ni Bautista dahil na rin sa dating alitan kaugnay sa paupahang pag-aari ng mag-asawa.
Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay nasaktan diumano ng bayaw ni Bautista si Eliza hanggang sa nagharap-harap sila sa kanilang barangay.
Dito na umano umeksena ang pulis at tinakot ang mag-asawang Zacarias.
Sa takot ng mag-asawa, minabuti na lamang nilang magtungo sa tanggapan ng MPD-GAS upang pormal na maghain ng reklamo laban sa pulis.
Nakatakda namang magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng dalawa bukas, Sabado (Nob. 17), ngunit sakaling hindi sumipot si Bautista ay tutuluyan na itong sasampahan ng kaukulang kaso.
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply