Pulis-Maynila inireklamo ng panunutok ng baril

DAGUPAN CITY – Isang pulis Maynila ang nahaharap sa kasong “gun toting” matapos nitong tutukan ng baril ang isang lola sa San Carlos, Pangasinan kamakalawa.

Ang suspect ay nakilalang si PO3 Michael dela Perre, ng Barangay Purac, San Carlos City, sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing si Dela Perre sa isang inuman sa kalapit na barangay at lasing umano itong umuwi ng bahay.

Sa salaysay ng biktimang si Lydia Bravo, 59, ng nasabing barangay, nagwawala umano ang nasabing pulis at pilit niya itong inaawat.

Habang inaawat umano ng biktima ang suspect, bigla nitong binunot ang kanyang service firearms at itinutok sa ulo ng biktima.

Pagkatapos ng insidente, agad na dumulog sa lokal na Philippine National Police ang biktima at nagsampa ng reklamo laban kay Dela Perre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply