Pulis Maynila kailangan ng retraining – CHR

CHR-chair-rosales

UMAPELA ngayon ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) at kay Mayor Alfredo Lim upang maisailalim ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mas maigting na pagsasanay, kaugnay ng panibagong insidente ng agawan ng baril sa pagitan ng suspek at mga pulis ng lungsod.

Ayon kay CHR Chairman Etta Rosales, dapat ihasa ang investigative skills ng mga Pulis-Maynila upang mas maisaayos ang pagdadala nila sa mga naaarestong suspek.

Aniya, madalas maagawan ng baril ng mga suspek ang mga pulis Maynila kaya nakakaalarma na ito.

Patunay aniya ito ng incompetency sa hanay ng pulisya sa paghawak ng mga suspek.

Si Nestor Delizalde Jr., suspek sa masaker, ang pinakahuling nang-agaw umano ng baril kahapon kaya napilitang barilin ng mga pulis.

Namatay si Delizalde kahit naisugod siya sa ospital.

Ani Rosales, kahit umamin si Delizalde sa pagpatay sa tatlong babae, karapatan pa rin nitong maisailalim sa due process bago panagutin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply