Pulis na suspek sa pagpatay sa ka-live-in sa motel, isinuko

NAKATAKDANG kunin ng Manila Police District–Homicide Section mula Camp Crame ang pulis-Maynila na suspek sa pagpatay sa live-in partner nito sa loob ng isang motel sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay P/Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, isinuko ng Police Security Protection Group dakong alas 7:00 kagabi ang suspek na si PO 2 Ronald Fontejon sa PNP Custodial Center.

Si Fontejon ay itinuturong suspek sa pagkamatay ng kanyang live in partner na si Kylle Anne Baroca, na residente ng Poblacion 3, Tanza, Cavite na natagpuan nakahandusay  sa loob ng banyo ng Room 4 ng Beehive Travellers Inn sa kanto ng Vicente Cruz at R. Magsaysay Blvd sa Sampaloc,Maynila.

Kasama ng dalawa na nagcheck-in sa motel ang dalawa nilang anak na iniwan din ng suspek na umiiyak matapos ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply