Pulisya blangko pa sa pagpatay sa modelo sa QC

BLANGKO pa ang mga operatiba ng Quezon City Police District sa kaso ng pinatay na modelong coed sa Cubao, QC noong Martes ng umaga.

Ayon sa hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit Supt. Rodel Marcelo wala pa silang suspek sa pagpatay sa modelong si Julie Ann Rodellas, 20-anyos.

Si Rodellas ay part time model, estudyante ng Arellano University, at residente sa Las Piñas City ay natagpuang patay sa may 18th Avenue, Barangay San Roque, Quezon City dakong alas-5:00 ng madaling araw na may tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.

Sinabi ng pulisya na inihulog ang bangkay ni Rodellas sa lugar ng isang kulay asul na Montero Sports.

Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang kasama ng biktima na modelo ring si Althea Altamirano upang mabigyang-linaw ang sinasabi nitong dinukot ang biktima habang magkasama silang naglalakad sa may Mall of Asia.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pagdukot kay Rodellas dakong alas-11:30 ng gabi ng nitong nakalipas na Martes, habang naglalakad sina Altamirano at Rodellas sa labas ng Mall of Asia nang may pumaradang SUV at sapilitang isinakay ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply