Pumalag sa holdaper, taxi driver sinaksak

knife-2

SINAKSAK ang isang taxi driver makaraang pumalag sa dalawang holdaper na tumangay sa kanyang kinita ay minamanehong taxi sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng tama ng saksak sa kanyang balikat ang biktimang si Ronaldo Molina, 41, driver ng kulay puting Vios na Yummy and Burgy taxi  na may plakang TXX-371.

Ayon kay PO3 Elmer Rodriguez ng QC Police Station 6, nangyari ang insidente pasado alas-3:00 kahapon ng madaling-araw nang sumakay sa taxi  dalawang di nakilalang suspek na nagkunwang pasahero.

Ayon kay Molina sumakay aniya sa kanyang taxi ang dalawang suspek sa tapat ng NAWASA filter sa Tandang sora at nagpahatid sa bahagi ng commonwealth avenue.

Pagsapit pa lamang, aniya, sa harapan ng celebrity plaza sa Capitol Hills ay dito siya tinutukan ng dalawang biente nueve balisong ng mga suspek bago sinamsam ang may halagang P3,500 pesos na kinita niya maghapon.

Sinabihan umano siya ng isa sa mga suspek na bumaba ng taxi subalit pumalag ang driver hanggang sa agad siyang sinaksak sa kanyang balikat dahilan upang mapuwersa siyang mapalabas ng kanyang taxi.

Tumakas ang dalawang holdaper tangay ang kanyang taxi bagay na inalarma na niya ngayon sa lahat ng himpilan ng pulisya sa kalakhang-Maynila ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply