Pumatay sa junkshop owner, tiklo

tiklo

NADAKIP na ng mga pulis ang suspek sa pagpatay sa junkshop owner sa Malabon City kahapon ng umaga, Nobyembre 9.

Nakilala ang suspek na si Marcelino Dayaday Sr., nasa hustong gulang ng Liputan, Meycauyan, Bulacan at helper ng biktimang si Bernardo Dillena, 57, ng F. Alcanar st., Wawang Polo ng lungsod.

Sa record ng mga pulis, dakong alas-5:40 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng junkshop sa nasabing lugar ng iba pang helper.

Sinakluban ng sako sa ulo ang biktima na may tama ng matigas na bagay sa ulo kung saan biglang naglaho ang suspek.

Nang puntahan sa bahay sa Bulacan ay wala na rin ang suspek hanggang sa matunton ang pinagtataguan sa tiyuhin sa Quezon Province.

Kahapon ay nadakip ang suspek sa San Jose, General Luna, Quezon.

Sa pahayag ng asawa ng biktima, nawawala ang cellphone at cash na P40,000 ni Dillena na naging dahilan upang sampahan ng kasong robbery with homicide ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply