Puna hindi dapat masamain ni PNoy

HINDI dapat masamain ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga puna sa kanya ng ilang miyembro ng simbahan, ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng Episcopal Commission on Bioethics ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ito ay kasunod sa umanoy pagiging pikon ni Pangulong Aquino III sa pagpuna sa kanya ng simbahan.

Sinabi ng obispo na ang ginagawang pagpuna sa mga polisiya ng pamahalaan ay lihis sa turo at aral ng Simbahan at pupurihin naman aniya kung makakabuti ito sa sambayanan.

“Siyempre ang Simbahan is always in a critical collaboration with the government. At kung halimbawa may napapansin man ang ilang mga obispo sa kanya na hindi tama siyempre sasabihin ‘yon,” paliwanag ni Oliveros sa panayam ng Radio Veritas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply