Puna sa media kay PNoy at nabuhay na sinalbeyds

_lily reyes

BIBIGYANG-DAANG muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga  tambak na mga text message at mga  nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga  employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at  proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po  ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang txt message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD PM mam Lily,  paki kalampag naman po  ang kapulisan dito sa Tuguegarao, ang dami po kasing iligal na pasugal dito na ayon sa mismong mga empleyado ng pasugalan ay alam daw ni Mayor Delfin Ting.

Kung ganito nang ganito ang mangyayari, paano naman po ang aming mga anak, lalaki na lang po bang puro pasugalan  ang kanilang nakikita?

Sana po sa pamamagitan ng inyong column sa Remate at sa lahat ng mga taga-media ay maiparating ito sa tanggapan ni DILG Sec. Mar Roxas para pakilusin ang  mga pulis dito sa amin.

Maraming salamat po at more power sa Lily’s Files.

GOOD DAY Lily’s Files, noong nakalipas na Presidential Election ay kayong mga taga media ang maingay at  lantarang  nangampanya na iboto si  Noynoy sa pagka-Pangulo para maiwasan ang corruption dahil ang kanyang mga magulang ay matitino.

Ngayong puro kapalpakan ang ginagawa ng Pangulo ninyo, bakit  tahimik kayo? Kung si dating Pangulong Marcos at  Pangulong Erap na magagaling at may utak ay napatalsik sa Malakanyang, bakit hindi magawa ngayon dito sa inyong Pangulo?

GOOD DAY po Lily’s Files, gusto ko lang magbigay ng aking sariling opinyon tungkol doon sa sinalvage  ng mga pulis sa Quezon City  na himalang nabuhay. Hindi po sa  kinakampihan ko yung mga pulis na gumawa nu’n. Ang sa akin lang po ay tingnan din kung anong pagkatao mayroon yung sinalvage.

Hindi naman po siguro ga-nun, kasama ang mga pulis para i-salvage ang isang taong walang kasalan. Huwag po natin silang  husgahan agad at sana maisip din natin na  sila man ay may pamilya ring masasaktan.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag- text lang po sa  09155683000 at 0908723-0036  o kaya ay mag-email lang sa…lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply