Puntod nina Rico Yan, Francis Magalona, dinagsa ng fans

DINAGSA ng kani-kanilang tangahanga ang puntod ng yumaong artista sa sementeryo na naging huling hantungan ng ilang artista.

Kabilang sa binisita ng fans ang puntod ng kanilang idolong aktor na si Rico Yan o Ricardo Carlos Yan sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.

Umapela naman si Linda Tupas caretaker ng mosuleyo ng pamilya Yan sa mga taga-hanga ni Rico na iwasan ang pagkakalat ng basura sa puntod ng aktor.

Walang humpay din ang paglilinis ni Emilia Mamaril sa puntod ng Master Rapper na si Francis Magalona sa Loyola Memorial Park sa Marikina City nang dagsain ito ng fans.

Nanawagan din ang caretaker ng puntod ng OPM icon lalo sa fans nito na iwasan ang pagkakalat ng basura.

Ilan lamang ang puntod nina Francis M. at Rico Yan sa mga dinaragsa ng kanilang pamilya at fans tuwing Undas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply