Purisima bilang PNP chief itinanggi ng M’cañang

purisima

ITINANGGI ng Malakanyang na si Deputy Director General Alan Purisima ang magiging kapalit ni Director General Nicanor  Bartolome bilang PNP Chief na magreretiro sa buwan ng Marso sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, wala siyang naririnig na ganitong impormasyon subalit tiniyak naman nito na rekomendado ni DILG Sec. Mar Roxas si Purisima na maging kapalit ni Bartolome.

“Hindi ko narinig e.  Secretary Mar Roxas has informed us that his recommendee to the position of the next PNP Chief will be (deputy director) General (Alan) Purisima. But the details of that, we will have to thresh out as to, for instance, what is the interplay between the non-duty status of General Bartolome and also the role of General Purisima. So those are details we have yet to discuss and those will be provided by Secretary Mar Roxas,” anito.

Hindi man direktang sinabi, may pagsang-ayon kay Lacierda na tila pinangunahan nga ni Sec. Roxas si Pangulong Benigno Aquino III sa pag-anunsyo sa bagay na ito.

Aniya, nag-usap naman sina  Pangulong Aquino at Secretary Mar Roxas sa kung sino ang magiging kapalit ni Bartolome subalit sa pagkakataong ito ay nakatuon ang kanilang usapin sa detalye.

Sa kabilang dako, hindi pa nakakausap ni Pangulong Aquino si Purisima ukol sa bagay na ito.

Tiwala naman ang Malakanyang na ang incoming PNP Chief ang magbibigay tuldok sa mataas na crime rates sa kabila ng may ulat mul sa NCRPO director na  tumaas ng 67 percent ang crime rate sa NCR at di umano’y namayagpag din ‘ang Dominguez brothers sa Region III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply