Purisima irerekomendang susunod na PNP chief

SI Deputy Director General Alan Purisima ang irerekomenda ni DILG Sec. Mar Roxas na papalit kay PNP Chief Nicanor Bartolome at may basbas na aniya ito ni Pangulong Noynoy.

Ito ay makaraang sabihin ni Bartolome na ayos lang sa kanya na malagay sa non-duty status at maging acting si Purisima lalo sa kasagsagan ng halalan sa 2013.

Si Bartolome ay magsi-sick leave para magpaopera sa kanyang dalawang tuhod at pag-uusapan ang kanyang bagong posisyon kapag natapos na ang medical procedure.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply