Purisima nagpasalamat kay Mar

NAGPASALAMAT si Deputy Dir. Gen. Alan Purisima sa ginawang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na siya ang napipisil bilang susunod na Philippine National Police (PNP) chief.

Kaugnay nito, ayon kay Purisima, ang rekomendasyon ni Roxas ay hudyat para sa kanya na mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho.

Sinabi ni Purisma na sakaling maging pormal na ang kanyang appointment, kasama sa kanyang tututukan ang pagkakaroon ng disiplina ng mga pulis.

Aminado naman si Purisima na kulang ang bilang ng mga pulis at mahalaga ang tamang pagtatala ng mga naganap na krimen, para matuldukan ang mga ito.

Sinabi ni Purisima na dito nakabatay kung ano ang mga lugar na dapat tutukan, anong oras at gaano kadami ang pulis na ide-deploy.

Aminado rin si Purisima na kulang ang bilang ng mga pulis na tumututok sa kanilang electronic police blotter kaya naman marami pa silang hindi nailo-log na mga report.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply