Pusakal na MPD Homicide at Allied Groups sa Bilibid (2)

burdado- jun briones

HALATANG senaryo lang ng Manila Police District Homicide Section ang diumano ay pang-aagaw ni Nestor Delizalde sa baril ng police escort nito kaya siya pinatay.

Ayon kay MPD Homicide Section Chief P/Insp Joselito de Ocampo, habang dinadala nila sa Brgy. Chairman na nang-umit umano ng ilang piraso sa ninakaw ni Delizalde ay nangharbat ito ng baril ng pulis kaya siya tinigbak!

Kundi ka ba naman @*&%, Insp. De Ocampo, bakit hindi na lang yung Chairman ang pinaimbitahan ninyo sa presinto para doon tanungin?

At kung talagang gusto ninyong dalhin si Delizalde ay bakit hindi ninyo siya ipinosas ng patalikod gayung alam ninyong pusakal siya?

Kung ako sa iyo, De Ocampo, ay huwag ka nang magpalusot na animal ka, dahil talagang gusto mo itong patayin!

Hindi ibig sabihin ay nakikipagsimpatiya ako sa mga pusakal, pero sa ginagawa ninyong pagpatay sa kanila sa halip na dalhin sa korte at hayaang batas ang magparusa sa kanila ay napaghahalata na wala kang respeto sa batas!

Alam mo ba, De Ocampo, na wala kang ipinagkaiba sa mga kriminal na yan? Dahil ang tawag sa iyo ng ilan mong kasama ay pusakal na pulis!

BILANG tulong sa paglutas sa paghagis ng granada sa loob ng Bilibid, narito Sec. De Lima, ang alyansa ng mga pangkat doon.

Ang Batang City Jail (BCJ), Genuine Ilocano (GI), Batang Samar-Leyte (BSL), Bicol Region Masbate (BRM), Batang Cebu (BC), Batang Mindanao (BM) at ilang piraso na lang na Original X Organization (Oxo) ay magkakaalyado.

Samantalang sa kabilang panig naman ay allied ang napakaraming Isputnik (ispokwa), Commando at Ilonggo group na Happy Go Lucky (HGL). Kilala naman sa loob ang pera-perang lakad ng ‘Batman’ (Batang Mananalo) kaya halos solo ito.

Mahalagang alam mo ito Sec. De Lima para may guide ka kung paano matunton ang salarin sa krimen. Ngayon, paanong sasabihin sa iyo na BSL ang suspek sa paghagis ng granada sa mga BCJ?

Inuurat ka nila, Madam Sec.!

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply