Pusher, tupada at pulis sa Nabua

MISYON-AKSYON_Arnel-Petil

MISYON AKSYON, pakiaksyunan po naman ang aming reklamo kasi grabe po ang mga pusher at adik sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Kasi walang aksyon ang  kapulisan dito, mukhang mga bulag sila pagdating sa droga.

Biruin po ninyo, nilagyan ng paskil ang bahay na  bawal ang pusher. Hindi po umubra.

Kasi mismong sa bahay nag-aabutan  ng droga. Kung tutuusin abot-tanaw lamang sa station ng pulis ang bahay ng pusher. Kaya nagsumbong na po ako sa inyo kasi mga bulag ang  kapulisan sa aming bayan. Umaasa po ako na makararating ito sa mga kinauukulan.

Gumagalang,
Mr. Diversion Boy

Misyon  Aksyon,

Sana  malagyan ng substation  ng  pulis ang  aming  Barrio Sto. Domingo kasi grabe na po ang mga holdaper. Katunayan po isang teacher na matapang ang nakipagbuno sa holdaper habang inaagawan ng bag ng nakasakay sa motor. Alam  ko po na si Congressman Sal Fortuno ay nagbalak na lagyan ng substation pero ‘di naman natupad.

Sana makarating kay congressman ang aming karaingan kasi imbes na ala-sais hanggang alas-otso ang bukas ng mga  tindahan dahil sa mga pangyayari. Maagang nagsasara sila kasi natatakot na maholdap ang kanilang mga tindahan.

Kaya maagang nag sisipagsara ang mga ito. Umaasa po kaming  mga  taga Sto. Domingo na maiparating ang aming hinaing kay PNP Chief  Nicanor  Bartolome at  kay Region 5 Dir. Jose Arne delos Santos. Ang pulis sa amin ay natutulog sa kangkungan. May kasabihan nga aanhin pa ang  damo kung patay na ang kabayo.

Gumagalang,
Mr. Boy Amo

Paging PNP  Chief  Nicanor  Bartolome, Region 5 Dir. Chief  Supt. Jose Arne Delos Santos At DILG Sec. Mar Roxas. Mga sir, paki-imbestigahan naman ang bayan ng Nabua.

Talamak po ang droga at holdapan pero ang mga pulis doon ay walang ginagawang aksyon lalo na ang hepe na si PCI Noel. Dapat po  sigurong  paki tapon muna sa Basilan para  magising sila at maging aktibo. Kasi papatay-patay ang istilo nila.

Pero may  kinabibiliban  naman po sa kanila, pagdating sa intelihensiya sa iligal na sugal, mabilis pa sila sa alas-kuwatro. At kay Cong. Sal Fortuno, sir, pakiaksyunan  naman ang inyong distrito para magkaroon ng substation kasi namamayagpag ang mga magnanakaw at holdaper doon.

Kaawa-awa naman po ang inyong mga kababayan sa Sto. Domingo.Baka isang araw paggising mga  holdaper ang mga  nakatira..at Kay Chief Of Police Nabua PCI.Noel Abay totoo  ba ang sumbong sa inyo..at Kay Nabua Mayor Delia kung ako sa inyo sibakin muna.Ang hepe mo baka masira kapa sa inyong  mga kababayan…

Kaya bukas po ang aking  kolum para sainyong  panig at  kapaliwagan.

Sa susunod  tatalakayin  po natin ang ibang  kabulastugan ng mga  pulis nabua.

Abangan…

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234  SMART-09193628223
EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com,arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com/tiradabalita@yahoo.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply