PUV-E tagging at RFID project ng MMDA kinuwestyon

MAANOMALYA at gagawa lamang ng pera ang ikinakasang  PUV E-Tagging/RFID Project na ikinakasa ng MMDA .

Ito ang naging akusasyon ni PISTON National President George San Mateo sakaling maisakatuparan aniya ang E-tagging o ang paglalagay ng Radio Frequency Identification Device (RFID) chips sa mga pampublikong mga sasakyan.

Ani San Mateo, kinasabwat ng MMDA sina  1-UTAK Partylist  Atty Vigor Mendoza  at mga lider ng FEJODAP, ACTO at Pasang Masda para lamang matupad ang proyekto .

Nauna nang inanunsiyo sa media ng MMDA  na kanilang sisimulan ang proyekto pagpasok ng susunod na taon 2013 .

Hindi rin aniya  dumaan sa public bidding ang supplier ng mga e-tagging o RFID equipment na gagamitin ng MMDA.

Ikinatuwiran ng MMDA na hindi na kailangan pang  dumaan sa public bidding ang plano dahil wala namang government funds na gagamitin ang MMDA dahil sasagutin  na raw aniya ng  mga transport operators ng gastusin sa mga e-tagging or RFID equipment na magmumula raw  sa Pork Barrel ng 1-UTAK Partylist.

Labis na ipinagtataka ng grupo na  kung sasagutin aniya ng  1-UTAK Partylist ang gastos mula sa kanilang pork barrel  bakit pa aniya maniningil ang MMDA ng halagang P400 hanggang  P1,000  sa bawat e-tagging o RFID chip na ikakabit sa bawat public utility vehicle sa Metro Manila .

Nauna nang ibinasura ng Korte Suprema ang kaparehong proyekto na gustong ipatupad noon 2009  ng LTO matapos maghain ng joint petition ang PISTON kasama ang mga progresibong mambabatas na sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabiela Rep. Liza Maza.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply