PWDs libre sa LRT, MRT sa Lunes

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities (PWDs) sa Lunes, maghahandog ng libreng sakay sa mga taong may kapansanan ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Nabatid sa tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na si Atty. Hernando Cabrera,  magsisimula ang libreng sakay sa mga pasaherong may kapansanan mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.

Ang lahat ng mga pasaherong nagtataglay ng kapansanan tulad ng kawalan ng paningin, mga pipi at bingi, mga naputulan ng paa o iba pang parte ng katawan o sadyang isinilang na hindi normal ang mga parte ng katawan ay kabilang sa pagkakalooban ng libreng sakay.

Lumabas sa pag-aaral ng United Nations na aabot sa 15-porsiyento ng populasyon o mahigit isang bilyong katao sa buong mundo ang nagtataglay ng iba’t-ibang uri ng kapansanan na humahadlang sa normal na gawain ng isang tao.

Samantala, sinabi rin ni Cabrera na ipinaubaya na nila sa Protected Areas and Wildlife Bureau sa Quezon City ang pangangalaga sa dalawang higanteng python na nahuli sa kanilang train depot sa Pasay City noong nakaraang araw ng Biyernes.

Posible aniyang nabulabog ang dalawang sawa na may sukat na 13.2 at 10 talampakan ang haba nang magsagawa sila ng paglilinis sa depot kaya’t lumabas sa kanilang lungga ang mga ito.

Tiniyak naman ni Cabrera na hindi makapapamahay sa mga bagol ng train ng LRT ang mga sawa dahil tinitiyak muna nilang malinis ang mga ito bago ibiyahe kaya’t walang dapat ipangamba ang mga pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply