PWDs sa Maynila nabiyayaan ng donasyon ng Korea

ABOT sa P498,370 o $11,950 ang donasyong ibinigay ng bansang Korea para sa mga may kapansanan.

Ang donasyon ay ipinagkaloob ni Lee Yoong Woo, director ng Social Welfare ng  Anyang City Center for disable Independent and Living Korea kay Manila Mayor Alfredo Lim sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.

Ang mga donasyon ay kinabibilangan ng limang electric wheel chair,10 manual wheel chair, tatlong hearing aid, limang walker,10 saklay, at 20 baston.

Binigyan naman ni Lim ng mga souvenir ang Korean delegation,na pinangunahan ni Woo .

Kaagad naman ipinamigay ng alkalde sa mga naghihintay na “recipient” ang mga donasyong  kagamitan,bukod pa sa nagpamahagi rin ng mga “reading glass”.

“With this electric wheelchairs,recipient will jumping with joy because of happiness”,ayon pa kay Lim,kasabay ng pasasalamat sa donasyon ng mga koreano.

Umaasa si Lim na pamamarisan ng mga iba pang bansa tulad ng Japan ang ginawa ng Korea.

Bukod rito, nakapagbigay na ang lokal na pamahalaan ng 1,500 wheel chairs at mayroon rin 170 may kapansanan ang binigyan ng trabaho sa Manila City Hall.

Samantala, pinagkalooban rin ni Lim sa tulong ng Department of Labot and Employment –National Capital Region (DOLE-NCR) ng pangkabuhayan ang iba pang may mga kapansanan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply