Pyramiding scam, bubusisiin ng Kamara

pyramid-scam

PAPASUKIN na rin ng mga kongresista ang pagbusisi sa kontrobersyal na Pyramiding scam na bumiktima ng libu-libong investors sa Kamindanawan.

Isang resolusyon ang nakatakdang ihain ngayon ni Iligan Rep. Vicente Belmonte ang multi-bilyong scam na kinasasangkutan ng Aman Futures Incorporated at Jachob Coco Rasuman Group.

Binigyang diin ni Belmonte, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na isang krimen aniya ang pagnanakaw sa mga investors.

Ikinatuwiran pa ng kongresista na karamihan sa mga investors ay nag-sangla, nagbenta at nangutang pa ng kanilang ipinuhunan.

Napaulat na umaabot sa mahigit P12 bilyon ang nakumlembat na salapi ng Aman at Rasuman Group mula sa libu-libong investors.

Isusulong ni Belmonte sa kaniyang resolusyon na paharapin sa imbestigasyon ang lahat ng nasasangkot kabilang ang may-ari ng Aman at Rasuman, ang mga biktima gayundin ang mga ahensyang humahawak na ngayon sa kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply