QC prosecutor sinapak ng NBI agent

SINAPAK ng isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang piskal na nagpaliwanag lamang hinggil sa proseso ng pag-iinquest sa piskalya nitong Miyerkules ng gabi sa Quezon City.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng biktimang si  Quezon City Prosecutor Benjamin Samson, ang pangalan ng NBI agent na sumuntok sa kanya pero nakikipag-uganyan na siya sa pamunuan ng NBI para ito ay makilala.

Ayon kay Samson, naganap ang insidente dakong alas 11:30 nitong Miyerkules ng gabi sa lobby ng QC Hall of Justice.

Bago ito, sinabi ni Samson na bumalik siya sa kanyang opisina dahil may naiwan siyang gamit pero pagdating  niya sa naturang lobby ay may nakita siyang komosyon.

Namataan niya ang ilang kalalakihan na nagpakilalang  NBI agents na nagwawala at inaaway ang mga nakabantay na mga security guard ng hall of justice.

Ayaw aniyang papasukin ang mga NBI agents sa loob ng hall of justice  para i-inquest ang kanilang dalang huling suspect.

Ipinaliwanag naman ni Samson na hanggang alas-11:00 lamang ang night inquest kaya ipagpabukas na lamang nila ang pag-inquest sa kanilang huli.

Pero imbes sumunod, sinuntok siya ng isa sa mga NBI agents sa kanyang panga na nagresulta para siya ay mabuwal sa sementong sahig at saka nagsi-alisan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply