QC pulis na nambugbog, timbog

DINAKIP ang isang opisyal na pulis matapos bugbugin ang isang lalaki na pinagbintangan na nambato sa kanilang bahay sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 17.

Nakilala ang dinakip na si Senior Insp. Jun Fortunato, 37, nakatalaga sa Talipapa Police Station ng Quezon City at residente ng Joshua st., North Olympus, Caloocan City.

Bugbog naman ang inabot ni Francisco Lagahit, 18, ng Mangahan, Pasig City.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, nasa loob ng bahay ang pulis nang may mambato sa kanilang bubong.

Dala ang baril, lumabas ng bahay ang pulis at nang makita ang biktima ay nilapitan. Dahil sa takot, nagtatakbo ang ang biktima kung kaya hinabol ito ng suspek. Nang maabutan ay pinagbubogbog.

Matapos ang insidente ay iniwan na ng pulis ang biktima na nagpunta naman sa presinto at nagsumbong na naging dahilan upang puntuhan ang pulis na inimbitahang sumama sa presinto.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply