QC treas. sisilipin ni Bistek; CHR kailangan sa Masbate jail

BILANG na ang oras ng ilang tiwaling empleyado sa Quezon City Hall.

Ito ang ipinaabot sa atin ng ilang malalapit kay Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista na halos ay nakatitiyak na ng
kanyang pangalawang termino dahil sa walang seryosong kalaban.

Ayon sa source, lubos ang pagpapasalamat ni Bistek sa mga taga-Quezon City, higit sa malalaking politiko rito dahil sa muling pinagkalooban siya ng tiwala ng mga ito.

Dahil d’yan, nakatakda umano nitong suklian ang nasabing tiwala sa kanya, kaya naman nangako itong lilinisin ang mga inirereklamong opisyal at empleyado.

Partikular na binanggit ng source na isa umano sa nakatakdang silipin ni Mayor Bistek ang mga sumbong laban sa umano’y mga katiwalian ni Treasurer Villanueva.

Sa totoo lang, parekoy, maraming sumbong na ang natatanggap natin sa umano’y katarantaduhang nagaganap d’yan sa opisina ni Villanueva.

Kaya dapat lang na silipin na ito ni Mayor Bautista at kung mapatunayang kurakot nga ay palayasin na ito kaagad!

-o0o-

NAKAPOSAS ang mga kamay ng isang preso kahit nasa loob siya ng kulungan!

‘Yan, parekoy, ang kalagayan ng isang preso habang siya ay nasa loob ng Masbate Provincial Jail.

Ang dahilan, galit sa kanya ang Jail In-Charge na si Villegas, kaya kahit nasa loob na ito ng kulungan ay nakaposas pa rin ang mga kamay.

Hirap na hirap ang kawawang preso, na maging ang kanyang pagdumi ay hindi alam kung paano gagawin.

Maliwanag, parekoy, na isa itong kaso ng pagmamaltrato sa bilanggo, kaya naman humihiling ang mga kamag-anak ng presong ito na kung maaari ay imbestigahan agad ng CHR para masampahan ng kaukulang kaso itong gagong jailguard.

Isa sa dahilan ayon pa sa kanyang mga kamag-anak ay dahil hindi sila kaalyado ni Gov. Rizalina Lanete!

Tinatawagan natin ang pansin ni CHR Chairperson Etta Ann Rosales. Madam, pakisilip po ang kasong ito!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply