QCPC induction inisnab ni QC Mayor Herbert Bautista

_lily reyes

NOONG nakalipas na Lunes, Nobyembre 19, 2012 ay ginanap ang   induction ng mga bagong opisyal ng Quezon City Press Corps sa ground floor ng Quezon City Hall.

Pasado alas 7:00 ng gabi ay hindi pa rin  dumating ang hinihintay ng lahat, sina  Quezon City  Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at mga konsehal. Kaya napagpasyahan ng mga opisyal ng QCPC na simulan na ang induction ng mga bagong halal na opisyal total naman ay naroon na  si National Press Club (NPC) President Benny Antiporda at  ilang NPC  Director .

Sa kabila nito ay umasa pa rin ang mga naroong mamamahayag at ng ilang panauhin na tulad nina  dating QC  Vice Mayor Alice Herrera, na katabi ko sa upuan, dating konsehal  na si Jorge Banal at ang  singer na si Anthony Castelo, na darating  si Bistek o kaya ay si Joy Belmonte o sinomang konsehal.

Pasado alas 9:00 ng gabi ng matapos ang induction ngunit  ni  anino ni Bistek, Joy at mga konsehal ay hindi nakita sa nasabing pagtitipon. Ayon kay  Aldren Cuna, chief of staff ni Bistek, may importanteng appointment  daw si Mayor Bautista kaya hindi ito makakarating.

Wowwww,  galing ng alibi, hindi na lang kasi magsabi ng totoo, kung darating o hindi.

Bakit kailangang magpaasa pa, eh, tanggap naman ng mga mamamahayag kung darating siya o hindi . Oo nga at sagot ni Bistek ang  lahat ng pagkain sa nasabing okasyon, pero  iba pa rin ‘yung nakikita siya, lalo na at siya pa naman ang inducting officer, kasama ni NPC Pres. Benny Antiporda.

Naitanong ko tuloy sa aking  sarili kung bakit hindi dumating si Mayor Herbert Bautista sa induction ng kanyang “sariling”  press  corps  gayung  ginanap ito sa kanyang sariling bahay (City Hall).

Isa pa sa aking ipinagtataka ay kung bakit sa induction ng ibang press corp ay dumarating itong si Bistek ngunit ang induction ng  sarili niyang pres corp ay inisnab.

Hmmmmmm, mukha yatang may naaamoy akong hindi maganda rito.

May galit kaya o sama ng loob o kaya ay tampo itong  si Bautista sa QCPC Press Corps?

Nagtatanong lang po…

Bagama’t  hindi nag bigay ng anu mang pahayag  ang  presidente  ng QCPC na si  Rio Araja, ng Manila Standard, at ang ilang  opisyales nito ay halata mo sa kanila  na masama ang kanilang loob.

Naitanung tuloy ng marami sa mga dumalo kung  anu ang dahilan kung bakit binoycot nina Herbert at Joy sampu ng mga  konsehal ang induction ng  QCPC at kung anu ang sama ng loob ng  grupo niMayor sa mga mamamahayag.

Hay naku, malaki na talaga ang ipinag bago ni Bistek magmula ng maging Mayor ito ng QC  lalo na ngayon na wala siyang mabigat na kalaban  sa pagiging Mayor sa darating na
2013  election.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suggestions at kumento,  mag text lang po sa  0915-5683000  at  0908-7230036  o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply