QCPD, sabit sa salvage

qcpd-station-9

HINDI pa man natatapos ang isang araw na pagpasasa sa mga papuri at parangal muling nabahiran ng putik ang pamunuan ng Quezon City Police District matapos lumutang ang isang 38-anyos na lalaking tinangka umanong i-salvaged ng limang miyembro ng QCPD Station 9 sa Anonas.

Matapos makalabas ng hospital nagpasaklolo kamakalawa ng  kagabi sa tanggapan ng Commission On Human Rights ang biktimang si Rommel Solarte ng # 56 Alley 5 Street Brgy. Pansol QC

Sa kanyang salaysay sa CHR, gabi ng Nobyembre a-3 isinakay umano siya sa loob ng mobil ng pulis habang nag-aabang ng sasakyan sa bahagi ng PHILCOA bago inilipat sa isa pang sasakyan.

Dinala umano sya madilim na lugar, isiniksik sa ilalim ng upuan, binalutan ng masking tape ang buong mukha hanggang leeg, itinali ng alambre ang mga kamay na walang pinagkaiba sa karaniwang hitsura ng mga natatagpuang bangkay sa ibat-ibang lugar sa QC, saka ito pinagbabaril ng limang beses

Iniwan ito ng mga suspek na pulis sa pag-aakalang itoy patay na subalit nakagapang at natagpuan ng isang concern citizen na siyang nagdala sa East avenue Medical Center.

Kinumpirma naman PO1 Richard Galvez, desk officer ng Station 9 na pulis nga nila ang mga tinutukoy na suspek na sina PO1 Jomar Torafiel (Station Anti Illegal Drug), PO1 Laron, PO3 Donaog, SPO1 Mando Rivera (ff-up section) at SPO1 Jose Agob.

Wala pa ring ibinibigay na pahayag sa media si Supt.Richard Fiesta, Station Commander ng Station 9 hinggil sa nasabing pangyayari.

Matatandaang kahapon ay abot-abot na papuri ang tinanggap ng QC police matapos ang matagumpay na pagkaka-aresto sa mga suspek sa pagpatay kay Julie Ann Rodelas subalit ngayon ay muli na namang nababalahura ang kanilang imahe dahil sa tangkang pagpatay sa isang dati nilang asset.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply