QCPD tumulong sa pinatay na ABS-CBN talent

mario-dela-vega

MATAPOS malutas ang pagpatay sa model-television talent na si Julie Ann Rodelas, naglaan din ang Quezon City Police District (QCPD) ng P31,740 na tulong sa pagpapalibing sa 20-anyos na dalagang biktima ng karumal-dumal na krimen.

Sa kabuuan na halaga ng abuloy, P20,000 ay nagmula sa personal funds ni QCPD head Chief Superintendent Mario dela Vega habang ang P11,740 ay kinolekta sa mga QCPD personnel.

Ang pagtulong ng pamunuan ng QCPD sa pamilya ni Jaja (palayaw ni Julie Ann) ay ikinasa matapos malaman na kulang pa ang pampalibing sa dating talent ng ABS-CBN at tourism student ng Arellano University.

Sinabi ni Alvin, kuya ni Julie Ann na nais nilang ilibing ang kanyang kapatid sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas City sa darating na Sabado pero kulang ang kanilang pera.

Pinagbabaril si Julie Ann noong Nobyembre 6 sa Murphy, Cubao, Quezon City. Naaresto at kinasuhan na ng QCPD Police investigators ang kapwa modelo na si Althea Altamirano at ang nobyo nitong si Fernando Quiambao, Jr. para sa krimen at hinahanting na ang dalawa pang suspek.

Kung maaalala, sa Golden Haven Memorial Park din inilibing si Cyrish Magalang, University of Santo Tomas alumna may dalawang linggo pa lamang ang nakararaan.

Si Magalang ay biktima rin ng karumal-dumal na krimen at ang bangkay nito ay natagpuan sa isang abandonadong kubo sa Bacoor, Cavite na may 49 stab wounds. Naaresto ang dalawang magkapatid na sina Rolin at Roel Gacita pero isa lamang sa kanila ang umamin na pumatay kay Magalang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply