Qualified partylists, ilalabas sa Huwebes

comelec-chair-brillantes

INIANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) na posibleng sa Huwebes ay mailabas na nila ang pinal na listahan ng party-list groups na papayagan nilang lumahok sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., binigyan na niya ng hanggang Huwebes ang lahat ng commissioners para tapusin ang pagdedesisyon sa mga party-list na papayagan at hindi papayagang lumahok sa halalan.

“Binigyan ko na ng deadline lahat ng commissioners. They’re going to finish everything including those that we’re done, ‘yung mga lumalabas ngayon na makikita niyo puro cancelled at denied karamihan dyan, we’re coming up with all of these including those that are granted na ‘yung mga magpa-participate na, we will finish this by Thursday,” anang poll chief.

Sakali naman, aniyang, hindi pa nila mailabas ang pinal na listahan ng mga party-list groups sa katapusan ng buwang ito ay agad din nila itong ilalabas sa Disyembre 3.

Ipinaliwanag ni Brillantes na kaya lamang nahuli ang desisyon sa ibang grupo ay dahil divided votes ang nakuha ng mga ito.

Aniya, mula sa mahigit 300 grupo ay posibleng umabot lang ng mula 100 hanggang 120 party-list groups ang papayagan nilang makalahok sa halalan sa susunod na taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply