Quil Award of Excellence nasungkit na naman ng Manila Water

quill-awards

NAGTAGUMPAY muli ang Manila Water, ang kunsesyonaryo sa patubig ng Silangang bahagi ng Metro Manila, sa Philippine Quill Awards na ginanap kamakailan sa Crowne Plaza Hotel, Lunsod ng Quezon.

Ang Toka Toka, isang adbokasiya tungo sa tamang pamamahala ng gamit na tubig, ay nakatanggap ng Quill Award of Excellence sa kategorya ng Social Responsibility sa Communication Management Division. Pagkatapos itong ilunsad ang “Toka Toka” na maging isang malawakang kilusan para sa kalikasan na nagbibigay ng partikular na pansin sa tamang pamamahala sa bawat kabahayan ng nagamit na tubig sa pamamagitan ng kanya-kanyang “Toka” para makatulong sa paglilinis ng mga ilog sa Kamaynilaan.

Pinarangalan din ng Award of Excellence sa kategorya ng Publications sa Communication Skills Division ang 2011 Manila Water Sustainability Report. Ang naturang report ay ang kauna-unahang sustainability report na ginawa ng isang kumpanyang Pilipino na umaayon sa dalawang pandaigdigang pamantayan: ang mga alituntunin ng Global Reporting Initiative (GRI) at ng ISO 26000 sa “social responsibility”.

Kinilala rin ang pakikipagtulungan ng Manila Water sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu sa “Cebu Bulk Water Supply Project” bilang “finalist” sa kategorya ng Government Relations sa Communication Management Division.

Ang ilang pang programa ng Manila Water na pinarangalan ngayong taon ay ang Mobile Stage na kinilala bilang finalist sa kategoryang Outdoor/3D sa Communication Management Division dahil sa makabago at kumpleto nitong disenyo ng isang tanghalan na maaaring itayo sa iba’t ibang lugar upang magamit sa mga pagtatanghal at “events” ng kumpanya; gayun din ang isa pang pagkilala sa Toka Toka sa kategorya ng Marketing Communication sa Communication Management Division pa rin.

Ang Philippine Quill ay ginaganap taon-taon at kumikilala sa pinakamahusay na gawain at kampanyang pangkomunikasyon ng iba’t ibang sektor sa buong bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply