Radio program ng pinatay na broadcaster sa Cabanatuan, ire-review

IRE-REVIEW ng pulisya ang programa ng isang broadcaster na itinumba sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija nitong nakarang Huwebes sa pag-asa na makakuha pa ng impormasyon hinggil sa motibo sa likod ng pagpatay.

Kasabay nito, umapela si Cabanatuan City police chief Senior Superintendent Eli Depra sa publiko na kung may nalalaman silang impormasyon sa pagpatay sa biktimang si Julius Caesar Cauzo ay mangyari lamang na ipabatid agad ito sa kanila.

“Recorded ang mga programa ng dwJJ. Siguro magre-review kami ng mga tapes baka may mapulot kaming lead,” pahayag ni Depra.

Bukod aniya dito, umaasa rin na maihuhubog ang itsura ng killer mula sa pagsasalawaran ng mga testigo.

Sa inisyal na imbestigayon, pinagbabaril at napatay ng isang motorcycle-riding si Cauzo sa Cabanatuan City nitong nakaraang Huwebes ng gabi. Binuo na ng pulisya ang task force na tututok sa pagpatay kay Cauzo.

Sinabi ni Depra na ang sinisilip nilang motibo sa pagpatay ay kung ito ay personal o may kaugnayan sa trabaho ni Cauzo bilang isang miyembro ng Fourth Estate.

Ibinigay din niya sa publiko ang kanyang mobile phone number, 09294541135, para i-text o tawagan siya kapag mayroon silang nalalaman sa krimen. Aminado itong wala pa silang lead hinggil sa pagpatay kay Cauzo.

Pinayuhan naman agad ni Depra ang local media sa Nueva Ecija na magkasa ng “extra precautionary measures” para maprotektahan ang kanilang sarili sa pag-atake.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply