Raid sa NBP, pinaigting; alak, celfone at salapi nasamsam

confiscated-weapons

IPINAG-UTOS ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagsasagawa ng madalas at pinalakas na pagsalakay sa maximum security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ni de Lima na siya’y dismayado at galit dahil sa masamang kalagayan ng maximum security compound.

Ipinalabas ng kalihim ang kautusan matapos makakumpiska ng mga drug paraphernalia, 12 mamahaling mobile units, pple at samsung galaxy chargers, battery, signal enhancers,lan cables,usb broadband units, ilang sim at SD cards, wi-fi routers, bote ng Johnny walker at iba pang alak, notebooks, cctv camera, improvised deadly weapons at split type airconditioning unit sa isinagawang raid sa maximum security compound nina dating Bureau of Corrections Officer-in-Charge Manuel Co at National Bureau of Investigation deputy director Rafael Ragos noong Nobyembre 19.

Matatandaang ilang mumurahing cellphone at mga pipitsuging armas lamang ang nasamsam ng mga sinibak na opisyal ng NBP na iprinisinta kay de Lima noong Nobyembre 16, o dalawang araw matapos ang nangyaring pagsabog ng granada na ikinasugat ng anim na tao.

Kasabay nito, inatasan ni de lima sina dating NBP OIC chief superintendent Ramon Reyes, Superintendent Roberto Rabo, dating in charge sa maximum security compound at dalawang iba pang opisyal na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat na sampahan ng kasong administratibo partikular ang serious neglect of duty and for conduct prejudicial to the service kaugnay sa nangyaring pagsabog noong biyernes.

Ipinag-utos din ni de Lima na sampahan ng kasong kriminal at isailalim sa drug testing ang mga bilanggo na nasamsaman ng mga kontrabando.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply