Random drug test sa kapulisan isasagawa

drug-test

ISASAILALIM sa “random drug testing” ang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) makaraang iutos ni Director Chief Supt. Benito Estipona sa kanyang Intelligence Unit na magsagawa ng imbestigasyon upang alamin kung sinong mga pulis ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang naturang kautusan ay isinagawa ni Estipona makaraang makakuha ng impormasyon na marami sa kanyang mga tauhan sa kanyang distrito ang lulong sa ilegal na droga.

Napag-alaman na unang gagawin ng Intelligence Unit ang “Random Drug Test” sa buong puwersa ng SPD kabilang ang pitong police station.

Ayon kay Estipona, sa pagsasailalim ng random drug test sa mga pulis ito ay sa pag–asang madidiskubre ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bukod pa rito ay nirerebisa rin ng SPD ang mga record ng bawat tauhan kung saan ang mga madidiskubreng may masasamang record ay agad na isasailalim sa ‘summary dismissal proceedings.”

Sinabi pa ng opisyal na sosorpresahin na lamang nila kung anong police station isasailalim sa drug test at ito ay kanilang uumpisahain sa lalong madaling panahon.

Beberipikahin din ng itelligence unit kung may mga kinakaharap na iba’t ibang kaso ang mga tauhan ng SPD at kaagad nilang aaksyunan.

Kabilang na isasailalim sa random drug test ay ang Pasay City Police, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Makati, Pateros at Taguig City Police.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply