Rapist at holdaper na taxi driver, arestado sa Taguig

crime-fugitive

ARESTADO sa follow-up operation ng pulisya ang isang rapist na taxi driver at nanghalay sa 19-anyos na estudyanteng pasahero matapos matunton ng pulisya kahapon ng umaga sa kanyang tirahan sa Barangay Tunasan, Taguig City.

Kasong rape at robbery ang kinakaharap ng suspek na si Jonar Ibanez, 38, ng 18 Angeles Compound, Barangay Tunasan matapos  positibong kilalanin ng biktimang itinago lamang sa pangalang “Christina.”

Sa pahayag ng biktima kay Taguig police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario, sumakay siya ng taxi na minamaneho ng suspek noong gabi ng Nobyembre 12 mula sa bahay ng kanyang kaibigan sa BF Homes, Parañaque City at nagpahatid sa kanilang tirahan sa South Signal Village sa Taguig.

Pagdating sa madilim na bahagi ng C-6 Road, itinabi ng driver ang taxi at tinutukan na siya ng patalim inakala ng dalaga na holdap lamang ang pakay sa kanya ng suspect kaya ibinigay na niya ang nalalabi niyang salapi at cellphone subalit sapilitan siyang pinaghubad ng kanyang kasuotang panloob at puwersahang hinalay sa loob ng taxi.

Sinabi ng biktima na sa sobrang takot dahil sa banta na papatayin siya ng suspect ay wala na siyang nagawa nang puwersahan siyang halayin.

Matapos ang panghahalay, pinababa na siya ng suspek sa taxi, tangay ang kanyang salapi at iba pang gamit kaya naglakad siya at humingi ng tulong upang makauwi sa kanilang tirahan.

Kaagad namang nagsumbong sa pulisya ang pamilya ng biktima hanggang madakip si Ibanez matapos ang puspusang pagsasagawa ng follow-up operation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply