Rapist killer ng UST stude hinahanting na

TINUTUGIS na ngayon ng pulisya ang isang gumagalang rapist killer na pumatay at nagtangka pang gahasain ang isang alumna ng University of Santo Tomas (UST) sa Bacoor, Cavite nitong nakaraang Miyerkules.

Ang suspect na pinaniniwalaan na kapag high na sa droga  ay nagmimistulang hayok sa sex ang siyang pumatay sa biktimang si Cyrish Madalang, 21-anyos, na nagtamo ng 49 stab wounds na pangkaraniwang hindi ginagawa ng isang normal na tao.

“Mukhang may gumagalang rapist killer at drug addict pa sa aming lugar at sa istilo ng kanyang pagpatay ay tila na bad trip ang suspect kaya sa inis ay inatado ng saksak ang biktima na hinihinalang nanlaban, ayon sa isang ayaw magpabanggit na opisyal ng Bacoor PNP.

Gayunpaman, nagbuo na ng 3 police tracker teams ang Bacoor PNP para tutukan ang pagtugis sa suspect na pinaniniwalaang tubong Bacoor, Cavite.

Kaugnay nito, umapela na rin kaninang umaga ang University of Sto. Tomas (UST) Central Student Council para mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa kanilang alumna na si Magalang.

Si Magalang na kaka-graduate pa lamang sa kursong Tourism and Hospitality Management ngayon taon sa UST ay nakakaba ang suot na underwear nang matagpuan itong nakadapa sa  isang madamong lugar sa Bacoor na tadtad ng saksak sa katawan.

Pero sa ikinasang awtopsya sa bangkay ni Magalang, hindi ito nagahasa dahil hindi nasira ang hymen nito na isang senyales ng isa hindi naisakatuparan ng suspect ang kanyang maitim na balak kaya ito pinagsasasaksak.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply