Rapist na binayagan, gumanti ng 7 saksak

emergency-2

PITONG saksak ang ibinaon sa katawan ng isang dalaga nang mabayagan nito ang lalaking gusto siyang gahasain sa Ilokos Sur kaninang madaling araw (Nobyembre 27).

Nakaratay ngayon sa Gabriela Silang General Hospital sa Tamag, Vigan sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Janice Paragas, 28-anyos, tubong Davao City at residente ng Barangay 3 Vigan City.

Hinahating na ngayon para panagutin sa krimen ang suspect na si Rolando Garcia, 33-anyos, tubong Arayat, Pampanga pero pansamantalang naninirahan sa nasabi ring lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 12:45 ng madaling araw sa mismong kuwarto ng biktima.

Bago ito, nabatid na matagal nang may paghanga sa alindog ng biktima kaya pinasok ng suspect ang bahay nito para gahasain.

Pero pumalag ang dalaga at natadyakan ang suspect sa maselang bahagi ng katawan nito kaya sa galit ay sinaksak nito ng pitong ulit ang dalaga bago tumakas.

Napag-alaman na mayroon na ring naunang kasong attempted rape ang suspect kaya itinuturing itong mapanganib na tao at lalaban kapag nagipit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply